Nag-ala “extra challenge”  ang NCMB  team

             

Kakaibang teambuilding  ang  pinangunahan  ni  NCMB Exec. Director Rey Ubaldo  kasama  ang mga  kawani  ng  NCMB Central Office  noong  Hunyo 14-16, 2007  sa Dawal Beach Resort,  Candelaria,  Zambales. 

 

          Sa temang “Celebrating  Teamwork at NCMB”,   ang may 35  na kalahok  ay  nag-ala extra challenge  sa mga iba’t ibang  paligsahan,  upang  masukat ang  mga  konsepto at kakayahan  tungo  sa  epektibong  pagsasamahan (team),  “mutual  accountability”   at  makataong  pakikitungo  sa  loob ng  organisasyon.    

 

          Ang taunang  teambuilding na ito ay  inisyatibo ng  NCMB Employees Association sa pangunguna ni Gng. Sandi Comla.  Lubos na nagpapasalamat  ang pamunuan ng kawani ang mga NCMB EA  miyembro nito  sa pamunuan ng NCMB  dahil sa ginawang  pagbibigay  daan ni Exec. Dir. Ubaldo  upang maisakatuparan  ang  gawaing ito.  Ema A. Aguirre