
Si G. William E. Calina: Simpleng Tao, Malayo ang Narating
Balik NCMB na si G. William Calina mula sa kanyang 2-taong paninilbihan bilang isang Administrative Staff II sa POLO sa Brunei, Darussalam. Bago siya na-deploy, ang tubong Ilokos na si “YAM” ay Planning Officer sa Research and Information Division ng NCMB. Masasabing “ rose from the ranks” si Yam dahil una syang nahirang na Records Officer II bago naging Administrative Officer II sa NCMB Region I. Ang karera nya sa Serbisyo Sibil ay nag-umpisa noong 1986 bilang Clerk sa Bureau of Lands na nasundan ng kanyang pagiging Taxmapper sa Assessors Officer sa San Esteban, Ilocos Sur. Sa pinagdaanan niyang mga trabaho, nagamit at nahasa ni G. Calina ang natapos na kurso na BS Business Administration. Nakapagtapos din siya ng Master of Industrial Relations sa University of the Philippine School of Labor and Industrial Relations. (UPSOLAIR) Nauna dito, halos patapos na rin ang kanyang MA Public Administration mula sa St Louis College, San Fernandp, La Union. Sya ay happily married kay Gng. Laila Lydia at nagbunga ng tatlong cute na mga supling.
Sa kasalukuyan, si G. William Calina ay nahirang bilangang Division Chief ng Research and Information Division ng NCMB. Ema A. Aguirre